Pansinin ang unlapi sa pandiwa na ‘yon. FUTURE TENSE ‘di ba? Hindi mo binubuksan ang signal light HABANG pumupunta ka na sa direkyon na gusto mong puntahan. Hindi mo siya binubuksan habang kumakaliwa o kumakanan ka na. Binubuksan mo siya BAGO ka lumipat ng lane; bago ka lumiko; bago mo pihitin ang manibela.
Pero ang masmalala pa dito ay pag HINDI ginagamit ang signal light. Yung mga taong bigla na lang magse-swerve papunta sa lane mo, uunahan ka sa parte ng kalye na dinadaanan mo, at ipapahamak ka sa pamamagitan ng pag-gitgit sa sasakyan mo.
Ewan ko ha, pero para sa akin, ang hindi gumagamit ng signal light ay isang tanga. Bakit? Kasi ang signal light ay isang mahalagang parte ng sasakyan. May dahilan kung bakit siya kinabit. Nandoon siya para tulungan ang drayber na ipahiwatig sa ibang drayber kung saan siya pupunta, para hindi sila magkabanggaan. Para makaiwas sa disgrasya. Para masmaayos at masmabilis ang daloy ng trapiko.
Isa siyang COMMUNICATION TOOL. At ang hindi paggamit nito ay maihahalintulad na din sa isang taong hindi gumagamit ng kanyang bibig. Binigyan ka ng Diyos ng kagamitan, ng kasangkapan, upang makausap mo ang ibang tao, para maiwasan ang gulo sa mundo—hindi ba’t tanga ka para hindi gamitin ito? Para kang isang kampanyang walang poster; isang aso na hindi gumamit ng tahol; isang negosyo na hindi naglagay ng pangalan ng sa harap ng tindahan.
May gamit, may layunin, may dahilan kung bakit nandiyan ang mga bagay sa mundo. GAMITIN NATIN ANG MGA ITO.