Showing posts with label complaint. Show all posts
Showing posts with label complaint. Show all posts

Wednesday, November 18, 2009

GREAT morning

second day in a row of the MRT being unbelievably packed. $#*!!@!! what usually takes me 25 to 30 mins to do (go up the station stairs, pass through baggage "inspection", lineup for the turnstyle, wait on ramp, ride from north ave. to boni station) has taken me 45 minutes in the past two days. can someone tell me WHAT IS UP?!?!?!

i get to the office and attempt to accomplish an errand with cebu pacific. i google their contact number and find (+632) 70-20-888. hotline daw. DEYM. ang kapal ng mukha to call it a hotline. hotline kasi mapapaso ka sa asar at hinding-hindi mo na gugustuhing tumawag ulit sa tinding hirap na dadaanan mo para lang makausap ng isang operator. when i tried calling, either it was (a) busy, (b) "sorry, all circuits are busy now...", (c) napuputol pag pinipindot mo na yung number option na kailangan mo, or (d) kung hindi maputol, eh pagaantayin ka ng husto hanggang mandilim na ang paningin mo sa kahihintay. in my case 10 minutes lang yon. (fine, mainipin ako, eh ang expectation ko kasi pag hotline, CONVENIENT ang proseso eh!)

************

so enough of the morning rant. miel's first text to me this morning was pretty interesting.

"good morning. if my life was a song, what would it be?"

hanep sa pang-gising. ;) napaisip tuloy ako. ang hirap kaya nung tanong. ang unang pumasok sa isip ko, at ang sagot ko sa kanya, ay "Hand in my pocket" by Alanis Morissette.

hindi ko pa iniisip ko ano kaya yung sa'kin, pero parang pwedeng "All I Really Want" -- kasi reklamador nga ako, laging nagdedemand, hehe.

Sunday, March 29, 2009

The disappointment that was

KFC Cheezy BBQ Melt

Ang sarap pa naman ng itsura sa commercial. Ang sarap ng itsura sa poster at iba pang collats. Kahit website nila (kuna saan ko nakuha ang picture na to), ang ganda ng kulay. Parang saktong-sakto ang pagka-tusta ng pita, pulang-pula ang kamatis, at contrast sa oozing yellow cheese at golden brown chunks ng original recipe chicken, na siksik na siksik sa bawat isang slice.

At pagkatapos ng ilang linggong paghihintay, nakadaan din ako ng KFC para masubukan ang prduktong to. Lo and behold...




It was a disappointment for me because...

(1) unang tingin pa lang, ang layo na. Nasan ang kulay ng tostadong pita?!

(2) pag hila ko nung first slice, pati ang beautiful colors ng tomato, cheese and chicken, non-existent. bland, bland.

(3) soggy all the way. yung tortilla chip sa loob makunat. yung keso malabnaw.

(4) matabang. nothing barbecue about it. kahit cheese matabang (parang watered-down nga...)

 

Yun lang. Nakaka disappoint lang. 

Truth in advertising man lang sana. or, consistency sa pagtrain ng mga tauhan 

-- baka sablay lang dun sa branch na binilhan ko, at hindi naman kasing sama sa iba.


*sorry blurred, camera phone lang.