Sunday, May 30, 2010

muni-muni

tinamaan ako ng katamaran ngayong araw. magka-climb dapat ako, pero pinili kong bumalandra sa sofa ng nanay ko para humabol sa "uninterrupted sleep" na tatlong gabi ko ng ninanamnam. 

gabi-gabi ko kasing inaasam na makakuha ng 10 oras na tulog...at sa nakaraang dalawang linggo -- kung saan bumisita ako sa mga lungsod ng cagayan de oro, butuan, at general santos -- panay 5 oras na tulog lang ang nakukuha ko. 

kaya siguro ako hinila ng sofa ngayong araw. sabi ng katawan ko, "ayan, bawiin mo na ang sampung oras na pinapangarap mo!"

pero tila hindi ko pa rin nakamit ang pangarap na ito, dahil kahit gusto ng katawan kong humiga, ang utak ko naman ay tuluyang nagiisip, nagtitimbang, nagmumuni-muni. 

HAY.

ngunit sa kabila ng pagkabigo, kung tutuusin, gumaan din ang loob ko sa lahat ng planong nabuo habang ako'y nakahiga at nakatitig sa kisame. kasi, sa di-karaniwang pagkakataon, pinabayaan ko din ang sarili ko na managinip ng gising. mula sa mga personal na pangarap, hanggang sa mga pangarap ko para sa aking pamilya. kahit pambihira, hinayaan ko ang utak ko na lumipad.

sabi nga nila, DREAM BIG. kaya ayun, nanaginip ako. ng marami. ngayon, ang problema na lang ay kung papaano sila gagawing totoo. buti na lang, mahilig ako sa goal-setting. 

uumpisahan ko sa training regimen ngayong linggo.....and all the rest will follow. ;-)

2 comments:

  1. "nanaginip ako. ng marami. ngayon, ang problema na lang ay kung papaano sila gagawing totoo. buti na lang, mahilig ako sa goal-setting."

    --> ayun eh! kaya idol kita ina :) gogrowglow!!! :)

    naispire mag-attempt mag goal setting sa weekend (pagkatapos ng removals ko),
    tin

    ReplyDelete
  2. haha! tin, goal-setting is one thing....follow-through is another. tingnan na lang natin!! ;-)

    ReplyDelete